NEGROS ORIENTAL, Philippines – Sumuko sa mga awtoridad nitong Biyernes ng madaling araw ang isa pang suspek sa pagpatay sa American marine biologist na si Kent Carpenter, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Si Carpenter ay binaril at napatay sa loob ng kanyang bahay sa Sibulan, Negros Oriental noong nakaraang weekend.
Nauna nang tatlong suspek ang naaresto kaugnay ng krimen.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at hinihintay ang karagdagang detalye tungkol sa pinakahuling sumukong suspek. RNT/MDS