Home NATIONWIDE Isa sa 2 LPA sa PAR, nalusaw na

Isa sa 2 LPA sa PAR, nalusaw na

320
0

MANILA, Philippines – Nalusaw na ang isa sa dalawang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Miyerkules ng umaga, Agosto 27.

Sa huling update, iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang LPA na huling namataan sa bisinidad ng Patnanungan, Quezon ay nalusaw bandang alas-8 ng umaga.

Ito ang LPA na naunang sinabi ng PAGASA na magdadala ng mga pag-ulan sa Luzon at magpapalakas sa southwest monsoon o habagat.

Samantala, ang natitirang LPA ay namataan naman ng PAGASA sa 250 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Ayon sa PAGASA, ang naturang LPA ay may katamtamang tsansa na mabuo bilang isang tropical depression sa susunod na 24 na oras.

Wala namang direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa ang naturang LPA bagamat maaaring magpalakas sa habagat sa mga susunod na araw. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here