Home ENTERTAINMENT PTV4, tatapatan ang Eat Bulaga?

PTV4, tatapatan ang Eat Bulaga?

313
0

Manila, Philippines- Bagong bihis ngayon ang PTV4 in the sense na bago na ang pamunuan nito.

Si Malou Choa-Fagar ang in-appoint bilang GM o general manager ng government-owned station.

In showbiz circles, kilala si Fagar na mula sa Eat Bulaga, holding a top position.

Forty one years ding kunektado si Fagar sa ngayo’y 46-year-old nang noontime program sa telebisyon.

Maraming naiisip na magandang pagbabago si Fagar sa PTV4.

Kabilang dito’y ang pag-i-infuse ng mga entertainment shows.

Kasama din kaya ang pagkakaroon ng pananghaliang programa na rektang makakatapat ng Eat Bulaga?

Ayon sa column ni Butch Francisco na The Butcher sa Daily Tribune, wala umano sa hinagap o plano ni Fagar na tapatan ang pinanggalingang show na prodyus ng Tape, Inc.

Pero “only a fool would decline a blocktimer.”

Ibig sabihin, kung station-produced show ay wala sa mga plano ni Fagar maliban na lang kung blocktimer ang magpoprodyus nito.

Which means, may posibilidad na may uusbong na bagong noontime show na makakatapat ng Eat Bulaga sa TV5, isama na ang It’s Showtime sa GMA.

Abangan ang maigting na sagupaan sa noontime block! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here