MANILA, Philippines – Pumanaw na ang isa sa mga estudyanteng nabagsakan ng concrete debris mula sa isang condominium sa Quezon City.
“The most painful thing as a parent is taking his son to the grave. Your pain is over, kuya CJ. You fought hard,” saad sa post ni Jason Baldonado, ama ni CJ.
Si Carl Jayden “CJ” Baldonaldo ay isa sa dalawang estudyante na naglalakad sa Tomas Morato Avenue nang bigla na lamang bumagsak ang isang concrete debris mula sa condominium, saad sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) noong Agosto 12.
Na-comatose si CJ dahil sa insidente hanggang sa pumanaw na ito.
Kasunod ng operasyon, si CJ ay namalagi sa Intensive Care Unit ng Capitol Medical Center.
Samantala, nakalabas naman ng ospital ilang araw matapos ang insidente ang isa pang estudyante na tinamaan din.
Noong Agosto 15, lumikha ang QCPD ng team na mag-iimbestiga sa insidente.
Nangako naman ng kooperasyon sa imbestigasyon ang condominium na sangkot.
Nagpaabot din ng tulong sa pamilya ng mga biktima ang lokal na pamahalaan ng Quezon City. RNT/JGC