MANILA, Philippiens – KINUMPIRMA ng Malakanyang na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si deputy Ombudsman for the Visayas Dante F. Vargas bilang acting Ombudsman.
“Confirmed po,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang text message.
Si Vargas ay itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang Deputy Ombudsman noong March 2022.
Sa ulat, marami ang nag-aabang kung sino ang itatalaga ni Pangulong Marcos bilang kapalit ni Ombudsman Samuel Martires na nagretiro na sa puwesto noong Hulyo 27, 2025.
Matatandaang, kabilang sa mga nag-aambisyon sa binakanteng puwesto ni Martires ay si Department of Justice Jesus Crispin Remulla.
Habang mayroon namang 17 aplikante sa nabanggit na puwesto. Kris Jose