CITY OF ILAGAN, Isabela – Naka-full deployment na ang 179 na personnel ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) bilang karagdagang tulong sa mga himpilan ng pulisya sa buong lalawigan para sa National and Local Election 2025 Midterm Elections.
Pinangunahan ni PCol. Lee Allen ‘LABB’ B. Bauding, Provincial Director ng IPPO ang Send-Off Ceremony sa Camp Rosauro Toda Jr., IPPO Grand Stand, Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela sa umaabot na 179 PNP personnel.
Binubuo ng anim na Police Commissioned Officers (PCOs) at 173 na Police Non-Commissioned Officers (PNCOs) na nagmula sa iba’t ibang istasyon ng pulisya sa lalawigan.
Binigyang diin naman ng Provincial Director ang mahalagang gampanin ng karagdagang personnel sa mga itinalagang lugar upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa halalan.
Posibleng hanggang bukas ay matatapos na ang pagdidiliber ng mga Automated Counting Machines o ACM sa lahat ng bayan at lugar na maaring pagdarausan ng botohan sa araw ng lunes o May 12 para sa NLE 2025 na binabantayan ngayon ng kapulisan.
Samantala, atay sa color coding system ng COMELEC, ang Jones at Maconacon ang nasa orange Category o Election Areas with Grave Concern sa Isabela at kamakailan lamang ay napabilang sa nasabing kategorya ang bayan ng San Pablo matapos ang nangyaring shooting incident noong ika-25 ng Abril na may kaugnayan sa halalan. Rey Velasco