Home HOME BANNER STORY Walang Pinoy na nasawi sa sagupaan ng India, Pakistan – DFA

Walang Pinoy na nasawi sa sagupaan ng India, Pakistan – DFA

A flare goes up in air over the hill near main town of Poonch district, on May 7, 2025. India said on May 7 it carried out "precision strikes at terrorist camps" inside Pakistan and Pakistani-controlled Kashmir, days after it blamed Islamabad for a deadly attack on the Indian side of the contested region. (Photo by Punit PARANJPE / AFP)

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules, Mayo 7, na walang ulat ng nasawing Pinoy sa nagpapatuloy na sagupaan ng India at Pakistan.

Sa pahayag, sinabi ng DFA na mahigpit nitong minomonitor ang sitwasyon sa dalawang bansa.

“We call for a peaceful resolution to the current issues,” ayon sa ahensya.

“Our Embassy in Islamabad has confirmed that there are no reports of Filipino casualties in the incident,” dagdag pa.

Inabisuhan ng DFA ang Filipino community sa mga apektadong lugar na maging maingat at patuloy na maging alerto.

Matatandaan na inatake ng India ang Pakistan at Pakistani Kashmir, sa pagsasabing pinabagsak ng Pakistan ang limang fighter jet ng India.

Ayon sa India, inatake naman nito ang siyam na Pakistani “terrorist infrastructure” sites, at ang ilan sa mga ito ay iniuugnay sa pag-atake ng Islamist militants sa Hindu tourists na kumitil sa buhay ng 26 katao sa Kashmir noong nakaraang buwan. RNT/JGC