Home HOME BANNER STORY Plucena reyna ng 57th MTBA Bowling Open-Ladies Masters

Plucena reyna ng 57th MTBA Bowling Open-Ladies Masters

0
Plucena reyna ng 57th MTBA Bowling Open-Ladies Masters
LADIES MASTERS - Pinarangalan nina (dulong kanan) MTBA President Benny Antiporda at Secretary Ma. Jesusa Antiporda ang mga nagwagi sa 57th MTBA Open Tenpin Bowling Championship-Ladies Masters Division sa pangunguna ng nagkampeon na si (nasa podium) Leah Plucena, 1st runner-up Nelia Santos at 3rd place Rica Ventura. Nasa litrato rin si MTBA Treasurer Johnny Lugay, Scott Tan, at Willy Lim kasama ang iba pang mga nagwagi na sina Lorraine Munoz, Alyssa dela Rosa, May Tumbagahon, Tintin Robles, Ginalie Lim.

MANILA, Philippines – Walang nakapigil kay Leah Plucena na kunin ang korona sa 57th MTBA Open Tenpin Bowling Championships-Ladies Masters Division matapos mangibabaw sa finals ng kumpetisyong na ginanap sa Playdium Bowling Center sa Quezon City.

Naging makapigil hininga ang sagupaan sa finals kung saan umiskor ang pambato ng Team PSB na si Plucena ng 1,351 points para siguruhing siya ang hihiranging reyna ng Ladies Masters.

Dahil sa panalo, tumanggap si Plucena ng cash prize na P30,000 at kumikinang na gold trophy.

Naitumba naman ni Nelia Santos ng Team PBA ang 1,263 points para makuha ang 1st runner-up award na may nakalaang silver trophy at cash prize na P15,000.

Medyo minalas lang ng kaunti si Santos dahil kinapos ito ng ilang puntos para makuha ang top honor sa Ladies Masters.

Hinirang bilang 3rd place si Rica Ventura (PBA) sa iskor na 1,240 points para makuha ang P8,000 cash prize at bronze na trophy.

Si May Tumbagahon ng team PSB ang sumakmal ng 4th place, matapos magtumba ng 1,189 points, na may nakalaang P5,000 na cash prize.

Nagwagi rin at sumungkit ng 5th place na karangalan sa kumpetisyon si TinTin Robles ng team PTBA na pumuntos na 1,183.

Ayon kay MTBA President Benny Antiporda, dahil naging matagumpay ang 57th edition ng MTBA bowling competitions, sisiguruhin uunilang mas magiging maganda ang 58th edisyon nito at inaasahang mas maraming kalahok ang sasali sa iba’t ibang division ng kumpetisyon.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here