MANILA, Philippines Nanguna sa December 2024 agricultural and biosystems engineers licensure examination ang isang nagtapos sa Isabela State University sa Echague, ayon sa Professional Regulation Commission.
Sa inilabas na resulta ng PRC noong Huwebes, nasa 1,479 sa 2,625 test takers ang nakapasa sa pagsusulit na ibinigay ng Board of Agricultural and Biosystems Engineering sa mga test center sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Koronadal, Legazpi, Lucena, Rosales, Tacloban at Tuguegarao mas maaga nitong buwan.
Nakamit ni John Philip Paladan Dela Cruz ng ISU-Echague ang pinakamataas na marka na may rating na 88.80%, habang ang top performing school na may hindi bababa sa 50 test takers ay ang University of the Philippines-Los BaƱos na may passing rate na 95.24%.
Maari namang makita ang kumpletong listahan ng mga nakapasa sa Decber 2024 agricultural and biosystems engineers licensure examination sa official website ng PRC. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)