Home NATIONWIDE Pagpapalawig ng LRT, MRT operating hours, imposible – DOTr

Pagpapalawig ng LRT, MRT operating hours, imposible – DOTr

MSW

MANILA, Philippines – Imposible ang permanenteng pagpapahaba ng operating hours ng Metro Rail Transit Line 3 at Light Rail Transit systems, ayon sa Department of Transportation  (DOTr).

Sinabi ng DOTr na nauunawaan nila ang layunin naagbigay ng pinabuting kaginhawahan sa commuters ngunit idinagdag na hindi maaring isakripisyo ng rail sector ang oras ng pagpapanatili ng metro rail systems.

Ang MRT at LRT system ay nag-adjust ng operating hours upang ma-accomodate ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa gitna ng holiday season.

Mula Disyembre 23, ang extended operating hours  para sa MRT 3 ,magsisimula ang unang commercial trip mula North Avenue station ganap na 4:30 ng umaga at 5:05 ng umaga mula Taft Avenue.

Pahahabain naman ang oras ng byahe para sa huling commercial train na aalis ng North Avenue ng 10:30 ng gabi at sa Taft Avenue alas 11:08 ng gabi.

Gayunman, sa Disyembre 24 at 31, ang huling commercial train ay aalis ng North Avenue ng 7:45 ng gabi at 8:23 ng gabi sa Taft Avenue.

Sa Disyembre 25,2024  at Enero 1,2025, ang operasyon ng MRT-3 ay magsisimula ng 6:30ng umaga kung saan ang huling commercial train ay aalis sa North Avenue ng 9:30 ng umaga at Taft Avenue alas 10:09 ng gabi.

Ang mga regular na oras sa MRT-3 ay may unang tren na umaalis sa istasyon ng North Ave ng 4:36 ng umaga tuwing weekdays, 4:37 ng umaga tuwing Sabado, at 4:38 ng umaga  tuwing Linggo.

Ang huling tren mula sa North Avenue ay umaalis ng 9:30 ng gabi sa lahat ng araw ng linggo.

Ang unang tren ay umaalis sa istasyon ng Taft Avenue nang 5:18 ng umaga tuwing weekday, 5:18 ng umaga tuwing Sabado, at 5:19 ng umaga  tuwing Linggo.

Ang huling tren ay umaalis sa Taft Avenue sa ganap na 10:11 ng gabi tuwing weekdays, 10:08 ng gabi tuwing Sabado, at 10:09 ng gabi tuwing Linggo.

Sa LRT -1, na tumatakbo mula sa Dr. Santos Station o dating Sucat sa Parañaque hanggang sa Fernando Poe Jr. Station sa Quezon City ay magsisimula sa adjusted operating hours nito sa Disyembre 20.

Magkakaroon ng pinakamaagang operasyon ang dalawang terminal station sa Disyembre 20, 23, 26 hanggang Disyembre 27 sa ganap na 4:30 ng umaga. Ang kanilang pinakahuling operasyon ay sa Disyembre  20 at Disyembre 23, kung saan ang huling tren ay aalis ng 10:30 ng gabi at 10:45 ng gabi mula sa mga istasyon ng Dr.Santos at FPJ, ayon sa pagkakabanggit.

Ang regular train schedule ng LRT 1 ay may unang train mula Dr. Santos at FPJ Stations na aalis ng 4:30 ng umaga ng weekdays at alas-5 ng umaga ng weekends.

Ang huling train na mula FPJ stations ay aalis ng 10:15 ng gabi ng weekdays at 9:45 ng gabi kapag weekends.

Sinabi ng DOTr na ang pag-alis o pagbabawas ng maintenance window ay maaring maglantad sa mga pasahero sa mas mataas na panganib ng mga pagkaantala sa serbisyo o mga alalahanin sa kaligtasan.

Gayunman, sinabi ng DOTr na ito ay muling pinagtibay ang kanilang pangako sa paghahanap ng alternatibong hakbang upang mapabuti ang mga karanasan sa komyuter. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)