Home NATIONWIDE Isabela Vice Mayor kinasuhan ng inciting to sedition at rebellion ng CICC

Isabela Vice Mayor kinasuhan ng inciting to sedition at rebellion ng CICC

56
0

MANILA, Philippines — Naghain ng reklamo ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) laban kay Isabela Vice Mayor Jeryll Harold Respicio sa National Bureau of Investigation dahil sa kasong inciting to sedition at rebellion, ayon sa mga opisyal nitong Biyernes.

Ayon kay CICC Executive Director Renato “Aboy” Paraiso, ang reklamo ay kaugnay ng umano’y pahayag ni Respicio sa isang pagtitipon kung saan tinanong niya ang publiko tungkol sa posibilidad ng rebolusyon kapag hindi na gumagana ang demokratikong institusyon.

Ibinahagi ni NBI Director Melvin Matibag ang transkripsyon ng talumpati ni Respicio kung saan binanggit ang “rebolusyon” at tinanong ang audience kung handa silang mag-alsa at mamatay, na sinagot umano ng “oo” ng mga nakinig.

“Ito ang tanong na seryoso, kapag hindi na gumagana ang foundational principle ng ating Constitution na demokrasya, ano ang sagot? Rebolusyon. Tapos sabi ni Atty. Respicio, rebolusyon. Tapos sabi ni Atty. Respicio, rebolusyon… baliwaalin natin ang Konstitusyon, ‘di ba? So willing ba kayo magrebolusyon? Sumagot ‘yung audience, oo. Willing ba kayo mamatay? Oo,” pahayag ni Matibag.

Dagdag pa niya, “Kapag tinignan mo ‘yung mga crimes nu’ng elements na binanggit namin, andoon lahat eh. Pasok lahat. At isa siyang abugado, so hindi rin maalis dito na maaari din siyang kasuhan ng disbarment.”

Ayon sa GMA News Online, humingi sila ng pahayag kay Respicio ngunit wala pa itong tugon hanggang sa oras ng paglalathala.

Sinabi rin ni Paraiso na plano ng CICC na magsampa ng disbarment case laban sa opisyal, habang sinusuri rin ng mga awtoridad ang iba pa nitong Facebook posts.

Ayon kay Matibag, saklaw ng reklamo ang inciting to sedition, rebellion, unlawful use of means of publication, at unlawful utterances. Inaasahang magpapadala ng subpoena ang NBI bago gumawa ng rekomendasyon para sa posibleng pagsampa ng kaso sa Department of Justice.

Giit ng mga opisyal, pinapayagan ang malayang pagpapahayag ng opinyon, ngunit hindi dapat humahantong sa panawagan ng karahasan laban sa pamahalaan. Dagdag pa ng CICC, hindi layunin ng reklamo na supilin ang freedom of expression, kundi tugunan ang umano’y paglampas sa hangganan ng batas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here