Home NATIONWIDE Iskedyul ng WPS resupply missions dapat ianunsyo – National Maritime Council

Iskedyul ng WPS resupply missions dapat ianunsyo – National Maritime Council

MANILA, Philippines- Kasunod ng June 17 Ayungin incident kung saan nagtamo ng injury ang isang Filipino sailor, inirekomenda ng National Maritime Council kay Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. na isapubliko ang regular rotation and resupply (RORE) missions.

Sa Palace press briefing, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na kabilang sa mga rekomendasyon ang pag-anunsyo ng RORE missions sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, na mananatiling “routinary” at regular na itatakda.

Naniniwala si Bersamin na walang mali sa pag-anunsyo sa RORE missions. 

”We just don’t know that if the reason for this is there was no prior knowledge on the part of China that we were resupplying. They know that we had to resupply, that we were resupplying, it’s just a normal routinary matter,” wika ni Bersamin. 

”So in the best interest of all parties, I think it was a wise decision for the President to accept our recommendation to publicize the schedule for activities without giving up anything. Wala namang masama doon, eh,” dagdag niya. 

Nang hingan ng paglilinaw kung nangangahulugan ang pag-anunsyo ng RORE missions ng pagbibigay-alam sa China, iginiit ni Presidential Assistant for Maritime Concerns Andres Centino na nangangahulugan itong “we assert our sovereign right and sovereignty in the area.”

Gayundin, inihayag ni Centino na tinitingnan ng Philippine government ang insidente nang may pagkabahala, at ito umano ang rason kung bakit nagpulong ang National Maritime Council.

Nang tanungin naman ukol sa reaksyon ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. sa insidente, sinabi ni Centino na: ”Immediately he asked the concerned Cabinet secretaries to discuss the matter with him, that’s also the imprimatur why we had this National Maritime Council convened today.” RNT/SA