Home METRO Katubigan ng Catanduanes niyanig ng M-5.5 quake

Katubigan ng Catanduanes niyanig ng M-5.5 quake

MANILA, Philippines- Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang katubigan ng Gigmoto, Catanduanes nitong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS),

Naitala ang lindol ng alas- 8:41 ng umaga, base sa PHIVOLCS sa Earthquake Information No. 1 nito.

Ang epicenter nito ay nasa 14.05°N, 125.06°E – 078 km N 68° E ng Gigmoto.

May lalim na 10 km ang tectonic na lindol.

Walang inaasahang pinsala at aftershocks, batay sa PHIVOLCS. RNT/SA