Home NATIONWIDE Pag-apela sa mas mataas na int’l body sa Ayungin confrontation ‘di kinokonsidera...

Pag-apela sa mas mataas na int’l body sa Ayungin confrontation ‘di kinokonsidera ng PH gov’t

MANILA, Philippines- Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Biyernes na hindi binbalak ng pamahalaan ng Pilipinas na iakyat ang insidente sa Ayungin noong Hunyo 17 sa mas mataas na international body.

”That’s not yet into consideration because I think this is a matter that can easily be resolved very soon by us, and if China wants to work with us, we can. We’ll work with China,” wika ni Bersamin sa Palace press briefing. 

Noong Lunes, binangga at sinakyan ng Chinese Coast Guard personnel, na may mga matatalim na armas, ang Philippine Navy rubber boats, upang pigilan ang mga itong makapaghatid ng food supplies, armas, at iba pang suplay sa mga sundalong Pilipino sa shoal.

Makikita sa mga video at larawang inilabas ng Armed Forces of the Philippines ang komprontasyon sa shoal.

Kinumpirma ng AFP noong nakaraang Martes na nagtamo ang isang Philippine Navy service member ng “severe injury” kasunod ng insidente. Napag-alaman kalaunan na naputulan ng daliri ang service member dahil dito. RNT/SA