Home ENTERTAINMENT Isko, inasahan ang pangungulelat ng EB!

Isko, inasahan ang pangungulelat ng EB!

Manila, Philippines- Hindi na ikinagulat ni Isko Moreno kung nangulelat man sa ratings nitong July 1, Sabado ang kinabibilangang Eat Bulaga.

Sa inilabas ngang overnight data ratings ng Nielsen Philippines Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM), nakapagtala ng 2.6% ang Eat Bulaga.

Samantala, ang mga katapat nitong E.A.T. sa TV5 registered 8.4% at It’s Showtime sa GTV raked in 4% in combined ratings including Kapamilya channel, Jeepney TV and A2Z.
Bagama’t nakaungos ang TVJ show with the Dabarkads, hindi kasama sa nakuha nilang porsyento ang online views partikular na sa kani-kanilang Facebook accounts at YouTube channels.

Hindi naman kinakitaan ng pagkasorpresa si Isko, isa sa mga bagong hosts ng revamped Eat Bulaga.

Aniya, given the drama and hype nitong mga nakaraang linggo ay expected na ang kinalabasan ng TV ratings.

“Pero ang point ko, let’s not create hate. Huwag ‘yung para umangat ka, aapakan mo ang likod ng may likod, paa ng may paa,” paliwanag ng dating alkalde ng Maynila.

Ikinumpara nga ni Isko ang noontime war sa buffet, kung saan maraming putaheng puwedeng pamilian.

Ang mga manonood daw ang siyang nakikinabang sa aniya’y healthy competition sa tatlong noontime program.

Samantala, pinuri naman ng online entertainment columnist na si Butch Francisco si Isko sa pagho-host.

Nakatulong daw nang malaki kay Isko ang mahasa sa pagsasalita noong naninilbihan pa siya.

Pinuna naman ni Butch ang aniya’y “grating” voice ni Buboy Villar.

Wala rin daw itong ka-finesse-finesse sa mga kilos nito.

Si Betong Sumaya naman daw, palibhasa’y dating executive producer sa news and public affairs ng GMA ay halatang maingat sa bawat salitang binibitiwan niya na obyus na pinag-iisipan o pinoproseso muna.

Betong, however, should be quick on the uptake. Ronnie Carrasco III