Home ENTERTAINMENT Sunshine, may emote sa 40th bday!

Sunshine, may emote sa 40th bday!

284
0

Manila, Philippines- Nagsimula nang isabuhay ni Sunshine Dizon ang kapaniwalaang: “Life begins at 40.”

Sumampa na nga ng kuwarenta ang dating child actres nitong July 3.

With adding another year to her life came many life lessons.

Isa na rito ang tamang pagpili raw ng mga taong kakaibiganin.

Naging maingat na raw si Sunshine in letting her friends into her circle sa pamamagitan ng masusing pagkilatis sa mga ito.

Kung hindi raw niya gagawin ‘yon, chances are nag-aalaga lang siya ng ahas na balang-araw ay siya pang tutuklaw sa kanya.

Sunshine is never ashamed to admit na marami nang pagsubok na dumaan sa kanyang buhay.

“Ang importante, sumabay ka lang sa agos ng buhay. What matters is that wala kang tinatapakan o niyuyurakang tao,” pagbabahagi pa ng aktres.

Of late, naharap si Sunshine at ang kanyang business associate sa kasong estafa.

May kinalaman ang reklamong ‘yon laban sa kanya sa P5 miilion-investment para sa online sabong.

Bagama’t hindi na idinetalye pa ng aktres ang tungkol dito’y wari hindi ‘yon nakaapekto sa kanyang well-being.

Pagmamalaki niya: “You cannot put a good woman down.”

Prior to this, Sunshine had to wrestle with her health condition at kinailangang maospital.

Nasuri siyang nagtataglay ng PTSD o post-traumatic stress disorder, anxiety attacks at abandonment issues. Ronnie Carrasco III

Previous articleSharon, tinalakan sa joke kay Alden!
Next articleIsko, inasahan ang pangungulelat ng EB!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here