Home ENTERTAINMENT Isko, nag-throwback sa pagmumura kay Joaquin!

Isko, nag-throwback sa pagmumura kay Joaquin!

Manila, Philippines – Very insightful ang latest vlog ni Maricel Soriano if only because of her guest.

Panauhin ng Diamond Star si dating Manila City Mayor at ngayo’y private citizen nang si Isko Moreno.

‘Yun nga lang, hindi maiwasang mabahiran ng intriga ang pag-iimbita kay Isko ni Maricel who’s known to be close to Tito Sotto’s family.

As we all know, “rival noontime hosts” sina Tito at Isko.

But let’s set this aside for now.

Clearly from the looks of it ay pinaninindigan na ni Isko ang pagtalikod sa pullitika.

Aside from his regular hosting stint, what keeps Isko busy ay ang pagiging proud lolo ng kanyang apo sa anak na si Joaquin Domagoso.

Isko’s vlog interview by Maricel proved to be one of colorful throwback.

Binalikan kasi ni Isko ang panahong natuklasan niyang may nabuntis si Joaquin.

Tulad ng alam ng marami, may isa silang anak ni Rafa Castro, anak ng dating aktor na si Diego.

Nang malaman daw kasi ni Isko that his son got a girl pregnant ay namura daw niya ito.

Napamura daw siya dahil “matulis” pala si Joaquin.

Pero worth it naman daw dahil bilang isa nang ganap na lolo’y may makaka-bonding na raw siya.

Tama lang daw ‘yon sa edad niya ngayon na 48 para ma-enjoy niya ang pakikipag-bond with his grandchild.

Inamin din ni Isko na noon palang he was starting to build a family, he wanted to have 12 children as in isang dosena!

His doctor, however, discouraged him for health reasons.

Dagdag pa raw ng kanyang doktor, mahihirapan lang daw sila ng kanyang misis sa pagpapalaki ng labindalawang supling kung nagkataon. Ronnie Carrasco III