Home ENTERTAINMENT Issa, may 2 cysts, pinagbawalang magsalita!

Issa, may 2 cysts, pinagbawalang magsalita!

Manila, Philippines – Hindi lang daw isa kundi a couple of cysts ang tumubo sa vocal cord ni Issa Pressman.

Kailangan niyang ipatanggal ang mga ‘yon, hence her short video para bigyan ng heads up ang publiko lalo na ang kanyang mga fans.

Ayon sa nobya ni James Reid, maliit man daw ang ginawang incision sa kanya ay grabe ang agam-agam na dulot nito.

“The anxiety leading up to it,” pagbabalita ni Issa.

Pero higit daw rito’y ang uncertainty o kawalan ng katiyakan kung maaapektuhan nito ang kanyang boses.

Mahigpit ang bilin ng kanyang doktor na bawal magsalita sa loob nang dalawang linggo.

Bukod dito’y sasailalim din siya sa vocal rehab o rest which will take three months.

Only then can she return to singing.

Ang purpose niya ng pag-upload ng short video ay para paalalahanan ang publiko in case she’s spotted anywhere, like sitting in one corner.

Kung mapapansin daw siyang quiet o walang imik or not sociable enough, ‘yun nga ay ang pagtalima sa doctor’s order.

Umaasa naman si Issa na basta masunurin lang daw siya sa mga bilin ng kanyang doktor, in no time will she get to recover.

Samantala, walang update si Issa sa isyung kinasasangkutan ni James at ng business partner nitong si Jeffrey Oh.

Kamakailan ay nabalitang inaresto si Jeffrey dahil sa kawalan ng mga kaukulang dokumento to do business.

Nasukol si Jeffrey sa tanggapan umano nito sa Poblacion, Makati City.

Inaantabayanan kung ano ang magiging impact nito sa career ni Liza Soberano who’s being co-managed by Jeffrey. Ronnie Carrasco III