NAGPAKITANG-GILAS si Islay Erika Bomogao sa kanyang atomweight Muay Thai debut matapos patumbahin si Thai fighter Ploychompoo PU Phabai via second-round knockout sa ONE Fights 134 sa Lumpinee Stadium, Bangkok.
Pinabagsak ng 25-anyos na Pinay ang 16-anyos na Thai sa pamamagitan ng malalakas na knee at punches, kabilang ang isang malinis na body shot na nagpatupi sa kalaban 47 segundo sa second round.
Ayon kay Bomogao, hindi niya inaasahang matatapos niya agad ang laban, at inangkin niyang malaking bahagi ng kanyang lakas ay mula sa boxing—isang pusong Pinoy na aniya’y “blessed with hands,” gaya ni Manny Pacquiao.
Nakapagpatikim na siya ng knockdown sa unang round bago tuluyang dominahin ang laban sa ikalawa para sa kanyang pangalawang sunod na KO win sa ONE Championship.GP