
MANILA, Philippines – Nagsagawa ng monitoring at inspeksyon ang Department of Agriculture (DA) na pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa pagbisita sa Paco Public Market kung saan nadiskubre ang mga ismagel na sibuyas.
Sa nasabing inspeksyon, kasama ang ilang opisyal ng agrikultura, nais ng kalihim na personal na makita ang sitwasyon ng bentahan ng mga produktong agrikultura sa naturang palengke at malaman ang kasalukuyang presyo ng mga bilihin.
