Home NATIONWIDE Operasyon ni Teves, natapos na – abogado

Operasyon ni Teves, natapos na – abogado

MANILA, Philippines – Natapos na ang operasyon ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves na isinagawa sa Philippine General Hospital (PGH) ngayong umaga.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, nasa recovery stage na ang dating mambabatas pero nasa maayos naman aniya itong kondisyon.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Topacio kay University of the Philippines Manila Chancellor Dr. Michael Tee na siyang nag-asikaso para mailipat si Teves sa PGH mula sa kulungan nito sa District Jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Pinasalamatan din ni Topacio si Dr. Marc Paul Lopez na siyang nagsagawa ng operasyon sa kanyang kliyente, na tinawag niyang potensyal na life-threatening medical condition.

Nang tanungin si Topacio kung ibabalik din agad sa BJMP si Teves, sinabi ng abogado na susunod sila sa abiso o payo ng kanyang doktor.

Samantala, sinabi ni Topacio na magsilbing wake-up call sana ito sa bawat isa, partikular sa kakulangan ng Bureau of Jail Management and Penology na agad makatugon sa mga medical emergencies ng mga inmates. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)