Home NATIONWIDE Israel nakidalamhati sa PH sa mga nasawi sa Houthi attack

Israel nakidalamhati sa PH sa mga nasawi sa Houthi attack

MANILA, Philippines- Ipinaabot ng Israel Embassy sa Manila ang pakikiramay nito sa Pilipinas sa pagkasawi ng dalawang Pilipino kasunod ng Houthi missile attack na tumama sa kanilang barko ang bulk carrier MV True Confidence habang naglalayag sa Gulf of Aden noong nakaraang linggo.

Kinondena ng embahada nitong Martes ang terorismo at inihayag ang pakikiisa sa Philippine government.

“During these trying times, we express our solidarity with the Philippines and join in condemning terrorism,” anito.

“The attacks by the Houthis on vessels in the Red Sea and the Indian Ocean violate the freedom of navigation, threaten the welfare of seafarers, and impact the shipment sector, supply chains, and prices of oil,” ayon pa sa pahayag.

Sakay ng MV True Confidence ang 20 tripulante, kabilang ang 15 Pilipino, nang ilunsad ng Houthi rebels ang anti-ship ballistic missile dakong alas-11:30 ng umaga (Sanaa time) noong March 6 at tamaan ito.

Dalawa sa tatlong nasawi ay mga Pilipino habang tatlo pang Pinoy ang sugatan.

Nakauwi na sa Pilipinas ang 11 Filipino survivors, kabilang ang isang sugatan, nitong Martes ng hapon. RNT/SA

Previous articleNegros Island Region bill lusot sa Senado
Next articleSpecial registration ng mga botanteng senior, PWD umarangkada