Home HOME BANNER STORY Negros Island Region bill lusot sa Senado

Negros Island Region bill lusot sa Senado

MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Senado nitong Martes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagsusulong na likhain ang Negros Island Region.

Nakakuha ang Senate Bill 2507 ng 22 affirmative votes, zero negative votes, at zero abstentions.

Bubuuin ang itinutulak na Negros Island Region ng Negros Occidental, Bacolod City, Negros Oriental, at Siquijor.

Inihayag ni Senator JV Ejercito, isponsor ng panukala, na nilalayong hatiin ang anim na clusters ng regional offices sa pagitan ng dalawang kalahati ng isla upang matiyak ang epektibong paghahatid ng serbisyo.

Aniya pa, mapalalakas nito ang local autonomy at mapabibilis ang economic, cultural, at social development ng rehiyon.

Inaprubahan ang counterpart measure ng panukala sa Kamara sa huling pagbasa noong March 2023.

Taong 2017, inilabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 38, na pormal na lumulusaw sa dalawang taong rehiyong nilikha sa ilalim ng  administrasyong Aquino. RNT/SA

Previous articleLibreng mammogram, ultrasound sa mga kababaihan mula sa PhilHealth aarangkada sa Hulyo – Romualdez
Next articleIsrael nakidalamhati sa PH sa mga nasawi sa Houthi attack