Home NATIONWIDE Libreng mammogram, ultrasound sa mga kababaihan mula sa PhilHealth aarangkada sa Hulyo...

Libreng mammogram, ultrasound sa mga kababaihan mula sa PhilHealth aarangkada sa Hulyo – Romualdez

MANILA, Philippines- Inanunsyo ni House Speaker Martin Romualdez na simula sa Hulyo ay magbibigay na ang Philippine Health Insurance Corporation ng libreng annual mammogram at ultrasound services sa mga kababaihan bilang bahagi ng priority program ng administrasyong Marcos.

Inanunsyo ito ni Romualdez kasunod ng naging pulong niya sa mga opisyal ng Philhealth.

“I commend PhilHealth for their swift action in responding to our call to provide free mammogram and ultrasound examinations to our women. This initiative reflects the commitment of the administration of President Marcos to prioritize the health and well-being of Filipino women, ensuring access to crucial preventive care,” ani Romualdez.

“This is the best news we can give to the Filipino women, especially during Women’s Month,” dagdag pa nito.

Kumpiyansa si Romualdez na ang pagkakaroon ng taunan at libreng mammogram at ultrasound services sa mga kababaihan ang unang hakbang para maagapan agad ang sakit.

“Early detection is key in addressing various health concerns, and by removing financial barriers to these essential services, PhilHealth is helping to save lives and promote a healthier future for our women,” giit ni Romualdez.

Sa datos nitong August 2023, nasa 86,484 cancer cases ang naitatala kada taon sa Pilipinas, sa nasabing bilang ay 27,163 ang breast cancer cases.

Ang breast cancer ang ikatlo sa deadliest types of cancer na nakakaaapekto sa mga kababaihan. Gail Mendoza