Home NATIONWIDE Isyu ng double taxation sa Cambodia aayusin ng Pinas

Isyu ng double taxation sa Cambodia aayusin ng Pinas

PINAPLANTSA na ng gobyerno ang isyu ng double taxation sa pagitan ng Cambodia at Pilipinas.

“We are working very hard on the issue of double taxation between our two countries,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Cambodia Prime Minister Hun Manet sa bilateral meeting na idinaos sa sidelines ng 50th Australia-ASEAN Special Summit sa Melbourne.

“And I just wanted to assure you that we are doing the work for that, we do not have that kind of situation that we … because if we are going to talk about increased trade between Cambodia and the Philippines, that has to be sorted out, we cannot leave it there,” ayon sa Pangulo.

Tiniyak naman ni Pangulong Marcos kay Hun na kumpiyansa siya na makahahanap ng mahusay na solusyon ang pamahalaan.

Matatandaang unang nagsagawa ng pag-uusap ang Pilipinas at Cambodia hinggil sa double taxation agreement sa Maynila noong 2018 at nakagawa ng kahalintulad na pagsisikap para sa mga susunod na taon.

Sa ilalim ng kasunduan, ang mga residente ng isang bansa na nakatanggap ng kita sa ibang contracting state, o vice versa, ay hindi bubuwisan ng dalawang beses sa kaparehong income, property o investment.

Nagbibigay din ang kasunduan ng “tax relief” sa uri ng “exemptions o preferential tax rates.”

Mapipigilan din ng kasunduan ang tax evasion at kasabay nito, hinihikayat ang foreign trade at investments sa pagitan ng dalawang bansa.

Para naman kay Hun, tatrabahuhin naman ng kanyang gobyerno ang nasabing isyu habang ang Phnom Penh ay gagawa ng kahalintulad na Inisyatiba kasama ang medyo maraming bilang ng mga bansa para i-improve ang sistema ng mekanismo sa kalakalan at pamumuhunan. Kris Jose

Previous article‘Provocative, illegal’ na aksyon ng Tsina sa WPS sinita ni PBBM
Next articleInflation rate sa Pebrero sumirit sa 3.4%