Home NATIONWIDE Isyu sa kontrata sa Miru, akusasyon ng panunuhol pinalagan ng poll chief

Isyu sa kontrata sa Miru, akusasyon ng panunuhol pinalagan ng poll chief

158
0

MANILA, Philippines- Naniniwala ang Commission on Elections (Comelec) na mayroong nasa likod ng paninira upang pahabain ang isyu kaugnay sa kontrata ng Comelec at Miru.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na masamang layunin ang nagtutulak sa paninira sa pagkatao at dangal ng tao na batay lamang sa tsismis at hula.

Ang pahayag ni Garcia ay matapos magsagawa ng kilos-protesta ang militanteng grupo na Kontra Daya sa harapan ng tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila para ipanawagan na ipawalang-bisa ang kontrata ng Commission on Elections sa kompanyang MIRU ng South Korea para sa 2025 midterm polls.

Pinaiimbestigahan din ng grupo ang mga paratang laban sa kontrata kasama ang sinasabing panunuhol sa opisyal ng komisyon at ipatupad na lamang ay hybrid na sistema ng halalan sa 2025.

“Sana po huwag tayo papaya na nilinlang tayo at pinaglalaruan ang ating kalayaang mamahayag. Minamaliit po nila ang kagalingan ng bawat isa na alamin ang katotohanan. Kung nagagawa ito sa akin, magagawa din nila ito sa bawat isa,” giit ng poll chief.

Samantala, bilang tugon sa kagustuhan ng mga raliyista na magpatupad ng hybrid elections, sinabi ni Garcia na ang magiging epekto nito ay aabutin ng tatlong araw ay hindi pa tapos ang bilangan sa mga presinto.

Paliwanag ni Garcia, wala ring pagkakataon na ipatupad ang hybrid elections sa 2025 dahil sa automation law, pure automation ang nakalagay.

Paliwanag pa ni Garcia, ang pondo na ibinigay para sa halalan ay para lamang sa pure automation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here