Home NATIONWIDE Isyu sa WPS reresolbahin sa diplomatikong paraan – NMC

Isyu sa WPS reresolbahin sa diplomatikong paraan – NMC

91
0

MANILA, Philippines – MASIGASIG ang administrasyong Marcos na patuloy na resolbahin ang territorial disputes sa West Philippine Sea (WPS) sa pamamagitan ng diplomatikong paraan.

Sinabi ito ni National Maritime Council (NMC) Undersecretary Alexander Lopez kasunod ng kamakailan lamang na ‘acts of aggressions’ ng Beijing sa Escoda Shoal (Sabina Shoal), at Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal), kung saan sangkot ang Chinese Navy warship sa pagsa-shadow o paglililim sa mga Filipino vessel.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maghahain ito ng diplomatic protest laban sa pinakabagong Chinese aggression sa pinagtatalunang rehiyon.

Sa ulat, hinaras ng limang barko ng China ang mga barko ng Pilipinas habang nasa routine maritime patrol sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc nitong Miyerkoles, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS), nagsagawa ng agresibong maniobra ang tatlong barko ng Chinese Coast Guard (CCG) at dalawang barko ng People’s Liberation Army Navy laban sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Aniya, dakong alas-6:30 nang umaga nitong Miyerkoles, binomba ng tubig ng CCG ang isang barko ng BFAR at sinadyang patamaan ang navigational antenna ng barko. Nasa 16 nautical miles ng katimugang bahagi ng Bajo de Masinloc ang barko nang maganap ang panghaharas ng China.

“At around 6:30 am, CCG 3302 fired a water cannon at the BRP Datu Pagbuaya (MMOV 3003), aiming directly at the vessel’s navigational antennas while it was located 16 nautical miles south of Bajo de Masinloc,” ayon kay PCG spokesperson on WPS Jay Tarriela sa kanyang pinost sa X.

Sinabi naman ng Chinese Embassy sa Maynila na ang Philippine vessels ay nagtangkang pumasok sa Chinese territorial waters sa paligid ng Huangyan Dao, China’s name para sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal. Sinasabi ng Tsina na ang CCG forces ay ‘acted lawfully to control the situation.’

“Very clear ang ating Presidente na lahat ng dispute, conflict situations ay gagawin natin sa peaceful o diplomatic actions and mechanisms,”ayon kay Lopez.

Muli namang inulit ni Lopez na ito ang unang pagkakataon na ang People’s Liberation Army Navy (PLAN) warship ay naglayag malapit sa Filipino ships at nagpartisipa sa agresibong pagpapakita at aksyon ng Chinese vessels, nagdulot ng “chilling effect” sa civilian vessels.

Sa kabila ng nasabing probokasyon, sinabi ni Lopez na hindi susundan ng Pilipinas ang aksyon ng Tsina.

“We might as well put our navy vessels far away but we’re trying to monitor their activities,” ayon kay Lopez.

“Hindi natin pwedeng ilapit ‘yun kasi maggigirian lang. It will escalate the situation,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here