Home NATIONWIDE Kita ng PPA tumaas ngayong 2024

Kita ng PPA tumaas ngayong 2024

111
0

MANILA, Philippines – Mas mataas ang kita o revenue ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong 2023 at inaasahang tataas pa bago matapos ang taon, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Sa yearend press briefing, sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago, kabuuang kita o revenue na P22.58 bilyon ang naitala sa unang sampung buwan pa lamang ng taong 2024.

Ang halagang ito ay 7.71% na mas mataas kumapara sa P20.96 bilyon na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay Santiago, ngayong taon ay kabilang pa rin sa top 5 Government -Owned and Controlled Corporation (GOCCs) ang PPA mula 2016 bilang isa sa may malaking kontribusyon sa national government dividend dahil sa maayos nitong pamamahala.

Ngayong taon, nagpapatuloy pa rin ang PPA sa pagpapabuti ng imprastruktura sa mga pantalan. Sa ngayon ay mayroong 28 na mga proyekto na patuloy na ginagawa sa Luzon, 23 sa Visayas habang 15 sa Mindanao.

Muli namang pinatunayan ng PPA ang kakayahan nitong nakapagbigay ng de kalidad na serbisyo sa publiko bilang ahensya na namamahala at nagpapaunlad ng mga pantalan sa bansa, kasabay ng pagbibigay ng isa sa pinakamataas na kontribusyon sa pamahalaan upang mapalago at mapasigla ang ekonomiya, kalakalan at turismo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here