Manila, Philippines – Isa si Itan Rosales sa pinaka-abalang aktor ngayon sa Vivamax.
Kaliwa’t kanan ang projects ngayon ng hunk at guwapitong actor.
Kung noon ay support lang kadalasan ang natotoka sa kanyang role, ngayon ay pang-leading man na si Itan.
Ibang klase ang lakas ng dating sa masa ni Itan, nakita namin mismo na hindi lang mga kababaihan kundi pati mga bading ang tumitili sa kanya sa show ng kanilang grupo sa Viva Cafe.
Si Itan ay miyembro ng all-male sing and dance group na VMX V na madalas mag-perform sa Viva Cafe sa Cubao, Quezon City.
Kasama niya sa grupo sina Karl Aquino, Marco Gomez, Calvin Reyes, at ang bagong member nitong si Dio de Jesus.
Sa aming panayam sa sexy actor, nabanggit niyang crush niya si Andrea Brillantes.
Kaya wish niyang makatrabaho ang Kapamilya actress.
Kung tatawid siya sa mainstream, sino ang gusto niyang makasama?
“Si Andrea Brillantes, hahaha!” nakatawa na tila nahihiyang sambit ni Itan.
Bakit si Andrea?
“Wala lang, kasi po ay crush ko siya.”
Bakit niya crush si Andrea? Na-meet na ba niya ito personally?
“Wala lang po, ang ganda niya kasi, eh,” nakangiting sambit ni Itan.
Aniya pa, “Hindi ko pa po siya nami-meet, personally.”
Hindi rin daw siya kakabahan sakaling makatrabaho niya si Andrea.
Anyway, umaarangkada nga nang todo ang showbiz career ni Itan, sunod-sunod ang pelikula niya ngayon sa Vivamax.
Isa si Itan sa lead stars ng pelikulang “Uhaw” ng VMX Queen na si Angeli Khang at VMX Princess na si Ataska.
Ang pelikula ay mula sa pamamahala ni Direk Bobby Bonifacio Jr.
Leading man si Itan sa pelikulang “Hiraya” na streaming na ngayon sa Vivamax.
Tampok dito si Rica Gonzales at ito’y prodyus ng 3:16 Media Network at directed by Sidney Pascua.
Tampok din sa pelikula sina Quinn Carrillo, Panteen Palanca, Tabs Sumulong, Jhai Slvr, JD Aguas, Elmo Elarmo Jr, Aj Oteyza, Nathan Rojas, VJ Vera, Mark Grabador at marami pang iba.
Bida rin si Itan sa movie na “Kaskasero” with Christine Bermas at Angela Morena. Ito’y sa direksiyon ni Ludwig Peralta at isinulat ni Quinn Carrillo at Direk Sidney Pascua.
Assistant Direktor din dito si Quinn. Ito’y mula rin sa 3:16Media Network ni Ms. Len. Nonie Nicasio