Home NATIONWIDE Vietnamese fishing boat lumubog sa WPS

Vietnamese fishing boat lumubog sa WPS

MANILA, Philippines- Lumubog ang isang Vietnamese fishing boat sa loob ng isang atoll sa West Philippine Sea (WPS), base sa Philippine Navy (PN) nitong Huwebes.

Sinabi ni PN spokesperson Commander John Percie Alcos na may bow number na Q. Ng 96554 TS ang lumubog na vessel.

Nakatanggap ng ulat ang Naval Forces West ng PN na isang Vietnamese fishing boat ang lumubog sa loob ng vicinity waters ng Quirino (Jackson) Atoll, isang traditional fishing ground para sa mga mangingisdang Pilipino na tinatayang 140 nautical miles sa kanluran ng Palawan, noong Hulyo 30.

Idineploy ng PN ang patrol ship BRP Ramon Alcaraz (PS16) sa lugar upang beripikahin ang ulat.

Sinabi ni Lt. Cdr. Christofer Neil Calvo, commanding officer ng PS16, na dumating sila sa bisinidad ng nasabing atoll at agad na pinakilos ang rescue team. 

Subalit, walang nakitang sakay ang nasabing vessel,  na nangangahulugang posibleng inabandona ng mga tripulante ang nasabing sasakyang-pandagat. Dahil walang nakitang sakay, hindi matukoy angd dahilan ng paglubog ng bangka.

Naobserbahan din ang lumulutang na mga pagkain at inumin malapit sa vessel, base kay Alcos.

Anang opisyal, nakumpirma ng PS16 kalaunan na nasagip ng isa pang vessel ang tripulante ng nasabing bangka. RNT/SA