Home NATIONWIDE ITCZ, Amihan magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

ITCZ, Amihan magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

MANILA, Philippines- Uulanin ang ilang lugar sa bansa ngayong Biyernes dahil sa Northeast Monsoon (Amihan) at sa Intertropical Convergence Zone, ayon sa PAGASA sa 4 a.m. bulletin nito.

Magdudulot ang Intertropical Convergence Zone ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa Mindanao, Visayas, Palawan, Masbate, Catanduanes, Albay, at Sorsogon.

Nagbabala ang PAGASA sa mga residente sa posibleng pagbaha o landslides sa moderate to heavy rains.

Magiging maulap din ang kalangitan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Norte na sasabayan ng pag-ulan dahil sa Amihan.

Makaaapekto ang parehong weather system sa natitirang bahagi ng Ilocos Region na maaaring makaranas ng isolated rains.

Iiral sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Lulubog ang araw ng alas-5:35 ng hapon. RNT/SA