Home NATIONWIDE ITCZ, easterlies iiral sa bansa

ITCZ, easterlies iiral sa bansa

MANILA, Philippines – Inaasahan ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw, Hunyo 20, dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies.

Ayon sa PAGASA, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang mararanasan sa Mindanao dahil sa ITCZ.

Kaparehong panahon din ang mararanasan sa Aurora at Quezon dahil naman sa easterlies.

Samantala, makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. RNT/JGC