Home NATIONWIDE ITCZ, easterlies iiral sa bansa

ITCZ, easterlies iiral sa bansa

MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang dalawang weather system ngayong Linggo, Mayo 18.

Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao, Eastern Visayas, at Palawan.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC