MANILA, Philippines – Makaaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies sa ilang bahagi ng bansa at magdadala ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan ngayong Biyernes, iniulat ng PAGASA.
Ang Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, BARMM, Davao Oriental, Davao Occidental, at Davao del Sur ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa ITCZ na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang Visayas, Palawan, at ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa ITCZ na may posibilidad na magkaroon ng mga flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkidlat.
Ang Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at Bicol Region ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies na may posibilidad na magkaroon ng mga flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorm na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkulog. RNT