Home NATIONWIDE ITCZ, easterlies magpapaulan sa Mindanao

ITCZ, easterlies magpapaulan sa Mindanao

MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies.

Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang South Cotabato, Sarangani, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi dahil sa nasabing weather system ngayong Huwebes, Abril 25.

Ang nalalabing bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa pinagsanib na epekto ng easterlies at localized thunderstorms. RNT/JGC