Home NATIONWIDE ITCZ, easterlies magpapaulan sa Pinas

ITCZ, easterlies magpapaulan sa Pinas

215
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa katimugang Mindanao, habang uulanin ang ibang bahagi ng bansa bunsod naman ng easterliesngayong Huwebes, ayon sa PAGASA.

Dakong alas-tres ng madaling araw, namataan ang isang Low Pressure Area (LPA) sa layong 360 kilometro kanluran ng Bacnotan, La Union. Wala itong direktang epekto sa bansa.

Apektado ng ITCZ ang Davao Region, SOCCSKSARGEN, Surigao del Sur, mga lalawigan sa Zamboanga Peninsula, at ilang bahagi ng Bangsamoro gaya ng Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi. Inaasahan dito ang maulap na kalangitan, kalat-kalat na ulan, at pagkulog-pagkidlat na maaaring magdulot ng flash flood o landslide.

Maulap din sa Aurora at Quezon dahil sa easterlies, na may banta ring ng pagbaha at pagguho ng lupa kapag lumakas ang ulan.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, magiging bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan, at posible ang panaka-nakang pag-ulan o thunderstorm. Kapag naging matindi ang thunderstorm, may posibilidad ng pagbaha o landslide.

Katamtaman hanggang mahinang hangin ang iiral sa buong bansa at magiging banayad hanggang katamtaman ang karagatan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here