Home NATIONWIDE ITCZ, easterlies makaaapekto sa Pinas

ITCZ, easterlies makaaapekto sa Pinas

0
ITCZ, easterlies makaaapekto sa Pinas

MANILA, Philippines – Patuloy na naaapektuhan ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang timog Mindanao habang ang easterlies naman ang nakaapekto sa natitirang bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Aasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Davao Region, Sarangani, South Cotabato, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dulot ng ITCZ. May banta ng flash flood at landslide dulot ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan. Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay posibleng makaranas din ng panaka-nakang pag-ulan.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan na may posibilidad ng mga panaka-nakang pag-ulan dulot ng easterlies. Maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa ang matitinding thunderstorm.

“Bagamat karamihan sa mga lugar ay makararanas lamang ng bahagyang pag-ulan, pinapayuhan pa rin ang publiko na maging alerto tuwing may pagkulog at pagkidlat,” ayon sa PAGASA.

Magiging mahina hanggang katamtaman ang hangin sa buong bansa, at banayad hanggang katamtaman din ang mga alon sa karagatan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here