Home NATIONWIDE ITCZ iiral sa Mindanao

ITCZ iiral sa Mindanao

MANILA, Philippines- Nakaaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao, ayon sa state weather bureau PAGASA nitong Sabado ng umaga.

Dahil sa ITCZ, iiral ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, BARMM, Davao Occidental, at Palawan, at “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” sa Visayas at sa natitirang bahagi ng Mindanao.

Inaaasahan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at Bicol Region ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies.

Nakaamba naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ang localized thunderstorms.

Samantala, kaninang alas-2 ng madaling araw, namataan ang low pressure area 1,455 kilometers east ng southeastern Luzon. Sa kasalukuyan, hindi pa ito direktang nakaaapekto sa bansa.

Magkakaroon ang Pilipinas ng light to moderate winds maging slight to moderate coastal water conditions. RNT/SA