CABAGAN, Isabela- Bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang Street Level Individual (SLI) na mister sa isinagawang drug buy bust operation sa Purok 7, Brgy. Ugad, Cabagan, Isabela.
Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Merwin Villanueva, hepe ng Cabagan Police Station kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, ang suspek ay kinilalang si alyas “Jovimar” na napasakamay ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa pangunguna ng nasabing istasyon katuwang ang PIU-PDEU, RIU 2 PIT Isabela East at PDEA RO2 sa kanilang isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation.
Sa operasyon ay nakuha mula sa pag-iingat at kontrol ng naturang suspek ang isang (1) piraso ng maliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu (Buy-bust Stuff), dalawang (2) piraso ng maliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu (possession) at isang (1) genuine 1,000-peso bill (buy-bust money).
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Cabagan PS ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
“Sa aking liderato, hindi titigil ang Isabela Cops na sugpuin ang anumang uri ng kriminalidad at patuloy naming huhulihin ang mga kawatan na lumalabag sa batas lalo na ang mga gumagamit ng illegal na droga na siyang sumisira sa lipunan sapagkat ang nais namin ay isang mapaya at tahimik na lipunan”, pahayag ni PCol. Bauding.
Nahaharap ang suspek sa kasong RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco