Home METRO Itinanim na anti-personnel mine ng NPA, kinondena ng Militar

Itinanim na anti-personnel mine ng NPA, kinondena ng Militar

335
0

SURIGAO DEL SUR, Philippines – Narekober ng tropa ng hukbo ang dalawang anti-personnel mine na itinanim malapit sa isang civilian foot trail sa Surigao del Sur, iniulat ng mga opisyal ng militar nitong Martes (Nov. 18, 2025).

Nadiskubre ng 75th Infantry Battalion ang mga pampasabog sa kanilang pagpapatrolya noong Nobyembre 15 sa Barangay San Pedro, bayan ng Marihatag.

Kinondena ni Lt. Col. Earl Pardillo, kumander ng batalyon, ang paggamit ng mga land mines, na tinawag itong “malubhang paglabag sa International Humanitarian Law.”

“Even children could have been the victims,” ayon kay Pardillo.

Ang mga narekober na pampasabog ay nasa ligtas na kustodiya para sa pagtatapon ng mga ordinance team ng Army. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here