Home METRO Itinuturong ‘utak’ sa pagpatay sa kagawad sa Quiapo nasa kamay na ng...

Itinuturong ‘utak’ sa pagpatay sa kagawad sa Quiapo nasa kamay na ng pulisya

215
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang barangay Kagawad sa Maynila matapos barilin ng riding in tandem sa Quiapo, Manila kung saan ikinokonsiderang suspek ang dating councilor ng nasabi ring barangay.

Kinilala ang biktima na si Stella Lim y Mangalino , 45 anyos, Barangay Kagawad ng Brgy. 383 at residente ng 6 Carcer Street, Quiapo, Manila.

Masusing imbestigasyon ngayon ng Manila Police District -Homicide Section ang motibo sa pamamaslang sa opisyal ng barangay kung saan sa pawang mga at large ang mga suspek.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Hidalgo Street malapit sa kanto ng Z.P Guzman St., ng nasabing lugar .

Isa sa sinasabing mastermind sa krimen ay ang dating councilor ng nasabi ding Barangay na si Zacaria Disomangcop y Baulan na isinalang na rin sa Inquest proceedings sa Prosecutor’s Office ng Manila para sa kasong murder.

Ang dalawang iba pang suspek na parehong tinutugis ng pulisya ay sina Amanudin Macadaag y Sarip, nakatira sa Golden Mosque Compound, na nagsilbing backride at gunman at ang hindi pa nakikilalang lalaki na driver ng get away motorcycle.

Nagsagawa ng back tracking ng mga CCTV footages ng Barangay 383 at 393 sa Quiapo ang mga awtoridad bago ang insidente kung saan makikita na umaaligid si Macadaag sa tindahan ng biktima sa kahabaan ng Bautista Street, Quiapo.

Kalaunan, nakita ang biktima na nakikipag-usap kay Disomangcop ng ilang minuto bago tuluyang naghiwalay.

Gayunman, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya, si Disomangcop kasama ang kanyang kamag-anak ay lumutang sa tanggapan ng pulisya upang linawin ang kanyang pagkakasangkot sa insidente .

Sa patuloy na back-tracking at sa tulong ng mga confidential informant, natagpuan ang kinaroroonan ng motorsiklo na ginamit ng mga suspek na nakaparada sa open area malapit sa Golden Mosque Compound na matatagpuan sa Elizondo Street, Quiapo, Manila.

Dito agad na nagkasa ng hot-pursuit operation ang mga operatiba at naispatan ang motorsiklo na Suzuki Skydrive black (ND 62591) at nakita ang dalawang identification cards sa pangalan ni Sarip.

Sa komprontasyon, positibong kinilala ng mga testigo na si Disomangcop ang siyang nag-uutos umano kay Macadaag na patayin si Stella Lim kaya ito inaresto ng mga operatiba ng MPD. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here