Bulacan – Mariing pinababantayan ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang kalagayan ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigang ito.
Ayon kay Fernando, nakikipag-ugnayan na ang pamahalaang panlalawigan sa Department of Agriculture upang mapigilan ang pagkalat nito at tiyakin ang lahat ng karne sa lahat ng pamilihang bayan sa lalawigang ito ay ligtas ikonsumo.
Nanawagan din ang gobernador sa mga hog raiser at mamamayan na patuloy sumunod sa mga ipinatutupad na protocols at guidelines para masigurong protektado ang industriya ng babuyan at kalusugan ng publiko.
Hinimok niya ang mga nag-aalaga ng baboy na agad ipagbigay alam sa kinauukulan kung ang mga alaga ay kinakikitaan ng sintomas ng ASF.
Sinasabing isa ang lalawigan na malaking pinagkukunan ng karne ng baboy ng mga kalapit na pamilihan. (Dick Mirasol III)