Home NATIONWIDE 7 estudyante ‘di pumasok ng iskul, nagkayayaang maligo sa dagat; 1 patay

7 estudyante ‘di pumasok ng iskul, nagkayayaang maligo sa dagat; 1 patay

MANILA, Philippines – Isang lalaking estudyante ng pampublikong paaralan na lumiban sa kanilang klase ang natagpuang patay ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang tangayin ng malakas na alon habang naliligo sa dagat sa Naic, Cavite

Ayon kay Police Staff Sergeant Rodrigo Veloso III ng Naic Police Station, bandang alas-7:20 kahapon ng umaga nang natagpuang ang bangkay ng biktima na si alyas EJ, 15, Grade 10, ng Halang National High School at residente ng Brgy Calubcob, Naic, Cavite sa katabing coastal area sa Brgy Labac, Naic, Cavite

Masuwerte naman na walang nagyari sa anim pa nilang kasamahan na may edad na 16, 17, 19 at tatlong 15 anyos.

Ayon sa nakalap na report, bandang ala-1:00 kamakalawa ng hapon nang pitong estudyante ng Halang National High School ang lumaktaw sa kanilang klase at nagkayayaan na nagtungo sa dagat ng Barangay Bucana, Malaki ng nasabing bayan kung saan nag-inuman.

Nakalipas ng ilang sandali, nagkayayaan din na maligo hanggang sa tangayin umano ng malakas na alon ang isa sa kanila .

Ipinagbigay-alam ng mga kasamahan ng biktima ang pangyayari kung saan nagsasagawa ng search and rescue operation ang Philippine Coast Guard (PCG) Sub Station Naic sa pamumuno ni CG Lyndon Ramos, Sub Station Commander at natagpuang ang bangkay ng estudyante sa . katabing castal bay .sa lugar bandang alas-7:20 kahapon ng umaga. Margie Bautista