Home ENTERTAINMENT It’s Showtime, mas sinuportahan ng Kapuso stars kesa sa revamped EB!

It’s Showtime, mas sinuportahan ng Kapuso stars kesa sa revamped EB!

Manila, Philippines – Labu-labo na nga ang tatlong magkakasabay na noontime show nitong unang araw ng July, Sabado.

As expected, there was much fanfare over at TV5 sa pilot episode ng E.A.T.

Naging emosyonal lalo na ang comic trio na TVJ the same way when they announced their disengagement from Tape, Inc. last May 30.

But this Saturday was on a happy note.

Mismong si Joey de Leon na rin ang nagsabing ang TV5 studio sa Reliance St. sa Mandaluyong may not be as big as APT Studios in Cainta, Rizal: “Pero ang importante, sama-sama tayo!”

Samantala, festive atmosphere hovered in the air as the revamped Eat Bulaga over at GMA7 marked its first monthsary.

Ipinagpapasalamat ng mga hosts nitong sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, etc. na nairaos nila ang isang buong buwan sa kabila ng walang tigil na pamba-bash na inabot nila.

As Paolo puts it, ginagamit daw nilang inspirasyon ang mga bashings na ‘yon to do better.

Meanwhile, true to its promise ay pasabog nga ang opening number ng It’s Showtime sa kanilang pilot episode sa GTV.

Winelkam sila ni Isko Moreno sa kabila, kung paanong dapat ikatuwa ng mga manonood ang pagkakaroon ng tatlong sabay-sabay na pananghaliang programa.

Inihalintulad nga ito ni Isko sa buffet kung saan maraming pagkaing puwedeng pamilian ang mga viewers.

Joint forces ang Kapuso at Kapamilya stars sa pasabog na production number ng It’s Showtime.

Bukod sa mga Showtimse hosts, nagtanghal din ang magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz, Mark Bautista, Chrisrian Bautista, Jolina Magdangal, Pokwang, Sanya Lopez at iba pa.

Kapansin-pansin na mas sinuportahan ng mga Kapuso stars ang Showtime mula sa sister channel ng GMA.

This is not evidently in the case of the revamped EB na isang blocktimer.

May semblance of truth tuloy ang tsikang kumakalat na inaayawan ng ilang stars ang EB dahil umiiwas silang ma-bash. Ronnie Carrasco III

Previous article$1-B utang ng Pinas inaprubahan ng ADB para sa Davao City public transport modernization
Next articleHazing sa menor sa QC tatalupan ng CHR