Manila, Philippines – Magtatapos na ang online poll para sa Outstanding Asian Star award sa 2026 Seoul International Drama Awards.
Nagsimula ang botohan noong Hunyo 15.
Nominado sa nasabing kategorya sina Paulo Avelino, Kim Chiu, Anne Curtis, Fyang Smith, JM Ibarra at Kaila Estrada.
In the running din sina Ivana Alawi, Gerald Anderson, Anton Vinzon, Katrina Halili, Shaina Magdayao, Joshua Garcia, Bela Padilla, Amy Austria, Charlie Dizon at Dingdong Dantes.
Si Ivana ay nominado para sa kanyang pagganap sa seryeng “Love Is Never Gone.”
Nakakalungkot lang na mula nang magbukas ang poll noong nakaraang buwan ay bokya pa rin o kulelat sa botohan ang aktres.
Tulad ng sexy actress, waley pa ring boto sina Max Collins, Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Roi Vinzon, Carlo Aquino at JM de Guzman.
Dahil sa development na ito, Iniintriga tuloy ng kibitzers kung nasaan ang kafaneyan ni Ivana na may 11.2 million followers sa Instagram, 47 million sa Facebook at 20.9 million subscribers sa kanyang YouTube channel.
Speaking of online poll, nananatiling lamang pa rin si Paulo na nangunguna na may 48.07 % ng total votes.
Sinusundan ito ni Anne Curtis na may 29.28 % ng total votes.
Nasa ikatlong puwesto naman si Kim Chiu na may 20.58 % ng total votes.
Pang-apat si Fyang Smith na nakapagtala ng 1.04% ng kabuuang boto at panglima si Kaila Estrada na may .36%ng total votes. Archie Liao