Home ENTERTAINMENT Ivana, may ‘malansang’ gimik sa ina!

Ivana, may ‘malansang’ gimik sa ina!

Manila, Philippines – Kilalang bukas-palad si Ivana Alawi sa mga tao kahit hindi niya kilala.

Kumbaga, it’s her way of paying forward.

After all, ang mga tao namang naaambunan ng kanyang grasya are the very same people who help her earn millions out of vlogging.

At kung generous si Ivana sa ibang tao, how much more sa kanyang pamilya?

llang beses na niyang napatunayan ‘yan!

Nitong nagdaang Mother’s Day ay may naisip na kakaibang gimik o paraan si Ivana to show her love and appreciation for her mom.

Noong araw palang ‘yon ay trip ng kanyang ina na kumain ng tilapia.

Ivana hatched a clever idea of bringing her family to a resort in Pampanga.

May fishpond din ito kung saan ipangingisda mo ang iyong kakainin fresh!

Nasa mindset na ng sexy actress-vlogger na tumataginting na P2M ang regalo niya sa ina.

Siyempre, para ma-enjoy ng ina ang tilapiang trip niyang kainin that day ay kailangan siyang manghuli.

Bawat tilapiang mabibingwit ng ina’y nagkakahalaga ng P200k.

All in all, sampung tilapia ang nahuli ng kanyang ina or equivalent to P2M.

Maging ang mga kapatid niyang sina Hashim, Amira at Mona ay may mga nakahanda ring regalo for their mom.

Wala rin palang iniwan si Ivana kay Kiray Celis na kung “manampal” ng datung sa kanyang mga magulang ay ganoon na lang!

As for Ivana, wala siyempreng mas tatalo pa sa isinusukling pagmamahal sa ina, the one that brings happiness money can’t buy. Ronnie Carrasco III