Home ENTERTAINMENT Iwa, binalahura si Pampi!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Iwa, binalahura si Pampi!March 25, 2026 19:421320 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Aliw na aliw na pinleytaym ni lwa Moto ang kanyang partner na si Pampi Lacson sa aktong nagbabawas ito sa loob ng CR.Ang siste, sinayawan ni Iwa ang video to the tune of Hawak Mo Ang Beat while at the door of the CR.Sa parte ng kanta na “papasukin mo ako,” bigla niyang binuksan ang hindi pala naka-lock na CR door.Tumambad si Pampi na nakaupo sa toilet bowl, pero agad nagtakip ng mukha at nagsara ng pinto.Halos maglulupasay sa tawa si lwa sa ginawang pagbabalahura kay Pampi.In fairness, hindi naman nasilipan si Pampi.Iwa wrote this caption: “Moral of the story…mag-lock ng pinto @pampilacson. Nagtakip ka pa ng mukha eh kitang-kita ka na.”Nakulitan naman ang mga netizens sa cute couple.Gumanti ka kaya, Pampi? Ronnie Carrasco III