Home ENTERTAINMENT J-Hope, niluhuran ni Jin!

J-Hope, niluhuran ni Jin!

Seoul, South Korea- Agaw-eksena ang pagluhod ni Jin sa harap ni J-hope para hawakan ang mga mikropono para sa press.

Ito ay nangyari sa press conference matapos ang 18 months na mandatory military service ni J-Hope.

Siya kasi ang second member ng BTS na nakatapos nito after ng panganay nilang si Jin.

10am last October 17 ay namataan si J-hope sa main gate ng 36th Army Infantry Division boot camp sa Wonju, na 90 kilometers ang layo sa Seoul.

Dito kasi siya nilagay para magserbisyo.

Sumaludo at kumaway si J-hope sa mga reporter na nasa gate.

Ang laki ng ngiti ng dancer-rapper habang tumatanggap siya ng mga bulaklak mula kay Jin, na nakasuot ng itim na shades at pulang jacket.

Siya lang ang nakabisita kay J-hope kasi sina Suga, RM, Jimin, at V ay nasa kani-kanilang military service.

“During my 18 months of military service, I performed duties as an instructor and marched a lot, so I saw many Wonju Citizens. I want to thank the citizens who greeted and cheered for the soldiers. It was very touching,” sey ni J-hope.

Sa Korea, lahat ng mga lalaking walang kapansanan ay required magserve ng 18 hanggang 21 months sa military.

Nag-enlist last April si J-hope at nag-serve bilang assistant drill instructor matapos ang kanyang basic training.

Kaya naman laking tuwa sila na expected si J-hope na ipagpatuloy ang kanyang individual events matapos ang kanyang discharge sa military.

Inabisuhan ang fans ng agency ng BTS na BigHit Music na huwag bumisita para walang mangyaring overcrowding. Trixie Dauz