Home NATIONWIDE 2 DepEd execs nagsumbong, nakatanggap ng cash envelope kay VP Sara

2 DepEd execs nagsumbong, nakatanggap ng cash envelope kay VP Sara

MANILA, Philippines – Isiniwalat ng dalawang opisyal ng Department of Education (DepEd) sa mga mambabatas na nakatanggap sila ng P10,000 ng cash mula kay Vice President Sara Duterte noong nakaraang taon nang nakaupo pa ito bilang education secretary.

Ang pahayag na ito ng dalawang DepEd officials ay tugma sa naunang testimonya ng isa pang opisyal ng DepEd na karaniwan umano ang abutan ng pera sa pamumuno ni Duterte.

Ayon kay DepEd director at dating bids and awards committee (BAC) chair Resty Osias sa pagdinig ng komite ng Kamara nitong Huwebes, Oktubre 18, sinabi nito na nakatanggap siya ng apat na envelope na naglalaman ng “minimal amount” na P12,000 hanggang P15,000 sa apat na magkakahiwalay na pagkakataon noong 2023.

Iniabot ang mga envelope ni Education Assistant Secretary Sunshine Fajarda, na hindi dumalo sa pagdinig.

“I thought it was a common practice in the department. The very first time I encountered that matter was sometime in April of 2023,” ani Osias.

“I didn’t know why I was summoned to the office of Asec. Shine. Then I was given an envelope and later on I found out there was money in it.”

Nilinaw naman ni Osias na hindi pa siya miyembro ng BAC nang mga panahong iyon.

Inamin din ni dating DepEd spokesperson Michael Poa, na paminsan-minsan ay nakakatanggap siya ng mga envelope na may lamang cash mula kay Fajarda at Duterte.

Sinermunan pa umano siya ni Duterte sa paggamit ng sariling pera para tulungan ang mga indibidwal na humihingi ng tulong mula sa DepEd.

Hindi naman sinabi ni Osias kung paraan saan ang pera.

Wala ring malinaw na rason si Poa kung para saan ang iniabot na pera na posibleng regalo dahil ito ay iniabot umano sa panahon ng Kapaskuhan.

Noong Setyembre 25 ay tumestigo rin si dating Education Undersecretary Gloria Mercado na nakatanggap siya ng siyam na envelope mula kay Duterte na naglalaman ng tig-P50,000 habang siya ay pinuno pa ng procuring entity ng DepEd. RNT/JGC