MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isang jail guard sa isang buy-bust operation sa Barangay Can-uguib, Abuyog, Leyte nitong Biyernes, Hunyo 21.
Ang suspek ay kinilalang si Amir, 45, high-value individual sa illegal drugs trade, at residente ng Abuyog.
Inaresto ang suspek matapos na bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang poseur-buyer.
Narekober mula sa suspek ang limang maliliit na sachet na naglalaman ng shabu.
Nakuhanan si Amir ng kabuuang 3.24 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P22,000.
Dinala na ang suspek sa Abuyog Municipal Police Station para sa dokumentasyon at pagproseso ng kaso.
Pinaniniwalaang si Amir ay supplier ng illegal na droga sa jail facility sa Abuyog.